Loyal talaga ako sa panonood ng @UAAPSportsTV kaso hindi ko na mapanuod dito at ito palagi pinapakita.
Kahit papaano nabalitaan ko na panalo DLSU, 77-70. Good pero not enough. Iba parin yung kasabay mo yung bansa manuod, diba?
Sana may magupload ng mga games sa Youtube para mapanuod ko. Okay na yung mga volleyball games, masaya na ako sa mga nakita ko, pati na rin yung sa cheerdance pero eto na lang ang kulang.
Alam ko hindi pa tapos yung laban pero gusto ko rin subaybayin kahit wala ako sa Pinas. Namimiss ko na talaga yung Pinas, mga kaibigan ko jan, mga kamag-anak ko, at lalo na yung pagkain! Hay nako! Sana makauwi ako kahit sandali lang. Eto nalang isa sa mga natitira sakin para maramdaman ko na hindi nawawala pagiging pinoy ko.